‘Di Pakipot Si Melissa

Xerex Xaviera
2 min readJun 2, 2021

--

Dear Xerex, ako ay tagasubaybay ng iyong sikat na sikat na column. Tulad ng iba nais ko rin maibahagi ang aking natatanging karanasan na talagang hinding-hindi ko malilimutan. Sana naman ay may karapatan nga na ilathala ang aking liham.

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Mike. Galing pa ako noon ng Visaya nang lumuwas ako ng Maynila upang maghanap ng trabaho.. Natanggap ako noon sa Binondo at doon ko nakilala si Melissa na tubong Cagayan. Magkasama kami sa bahay ng amo kong taga Calumpang, Marikina, pero ang negosyo nila ay nasa Binondo. Yaya naman si Melissa ng anak ng aming amo, Xerex. Maganda siya kaya hindi ko maiwasan na ma-attract sa kanya.

Mahiyain ako noon dahil bagong salta pa lang ako sa Maynila at talagang wala akong balak na ligawan si Melissa. Pero, madalas kaming tuksuhin ng labandera na kung tawagin namin ay Ate Cors.

Minsan ay kinausap ako ni Ate Cors at sinabi na may gusto raw sa akin si Melissa, pero bukod sa wala talaga akong gusto sa babaeng ito ay nahihiya ako kahit makipag-usap man lang dahil hamak na mataas ang pinag-aralan niya sa akin. Ang sabi naman ni Ate Cors ay idaan ko na lang daw sa sulat.

Dahil may handa namang mag-back-up sa akin kaya napilitan akong gumawa ng sulat. Madaling araw pa lang ay gumising na ako para ibigay kay Melissa ang sulat. Umikot ako sa likod ng bahay para puntahan siya ngunit laking gulat ko nang matapat ako sa may gripo na naliligo siya roon ng naka-panty lang.

Aninag na aninag kahit sa dilim ang napakaputing balat ni Melissa at talaga namang napaka-seksi na parang artista ang dating. Hindi ako nagpahalata na nabigla ako, sa halip ay dinampot ko kunwari ang hose at isinaksak sa gripo.

#xerex #xerexph

Read full story here: https://xerex.ph/2021/06/01/di-pakipot-si-melissa/

--

--

Xerex Xaviera

XEREX.ph is Philippines's #1 source for romantic and sensual stories since 1988.